Wednesday, December 5, 2012

Why Blog?

Should I start writing my blog in English format? I think, I should.
But, I'm not that fluent in speaking and writing English. But, I'll try to.

Why should we blog? Blogging is to express our thoughts on the web. In short, this is an online personal diary which is being used by millions of people around the world. A blog is a personal diary, a space for thoughts, a political rant, and sharing of ideas on the web. There are different types of blog; VLOG for Video Blog, Photo Blog for Picture Blog, and many more. All people can blog, it can be in Tagalog or English format, just express yourself.

If you are going to blog something, express yourself, you are blogging because you want to express, not to impress, don't be so arrogant when it comes to blogging. Look at me, I'm not that good in English but I'm trying, because I want to express my thoughts in English. Starting today, I'll try to write in English, so that many people can understand my blog posts. But I will not assure you that my blog posts will be in English format every time, only some.

If something is wrong with my grammar, just tell me, and I'll make it right. Please understand that I'm not very fluent in English, but the readers, I'll try. Thank you, and God bless!

Tuesday, November 20, 2012

Bible Verse About Courage

Jesus spoke the Word of God throughout his ministry. When faced with the devil's lies and temptations, he countered with the truth of God's Word. The spoken Word of God is like a living, powerful sword in our mouths (Hebrews 4:12), and if Jesus depended upon it to face challenges in life, so can we. If you need encouragement from God's Word to overcome your fears, take strength from these fear-busting Scriptures about courage.

Bible Verses About Courage

Deuteronomy 31:6
Be strong and of good courage, do not fear nor be afraid of them; for the LORD your God, He is the One who goes with you. He will not leave you nor forsake you. 
Joshua 1:3-9
I promise you what I promised Moses: ‘Wherever you set foot, you will be on land I have given you ... No one will be able to stand against you as long as you live. For I will be with you as I was with Moses. I will not fail you or abandon you.
Be strong and courageous, for you are the one who will lead these people to possess all the land I swore to their ancestors I would give them. Be strong and very courageous. Be careful to obey all the instructionsMoses gave you. Do not deviate from them, turning either to the right or to the left. Then you will be successful in everything you do. Study this Book of Instruction continually. Meditate on it day and night so you will be sure to obey everything written in it. Only then will you prosper and succeed in all you do. This is my command—be strong and courageous! Do not be afraid or discouraged. For the Lord your God is with you wherever you go.
1 Chronicles 28:20 
David also said to Solomon his son, "Be strong and courageous, and do the work. Do not be afraid or discouraged, for the LORD God, my God, is with you. He will not fail you or forsake you until all the work for the service of the temple of the LORD is finished.
Psalm 27:1
The LORD is my light and my salvation; Whom shall I fear? The LORD is the strength of my life; Of whom shall I be afraid?
Psalm 56:3-4
When I am afraid, I will trust in you. In God, whose word I praise, in God I trust; I will not be afraid. What can mortal man do to me?
Isaiah 41:10
So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
Isaiah 41:13
For I am the LORD, your God, who takes hold of your right hand and says to you, Do not fear; I will help you.
Isaiah 54:4
Do not fear, for you will not be ashamed; Neither be disgraced, for you will not be put to shame; For you will forget the shame of your youth, And will not remember the reproach of your widowhood anymore.
Matthew 10:26
Therefore do not fear them. For there is nothing covered that will not be revealed, and hidden that will not be known.
Matthew 10:28
And do not fear those who kill the body but cannot kill the soul. But rather fear Him who is able to destroy both soul and body in hell.
Romans 8:15
For ye have not received the spirit of bondage again to fear; but ye have received the Spirit of adoption, whereby we cry, Abba, Father.
1 Corinthians 16:13
Be on your guard; stand firm in the faith; be men of courage; be strong.
2 Corinthians 4:7-11
But we have this treasure in jars of clay to show that this all-surpassing power is from God and not from us. We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed. We always carry around in our body the death of Jesus, so that the life of Jesus may also be revealed in our body. For we who are alive are always being given over to death for Jesus' sake, so that his life may be revealed in our mortal body.
Philippians 1:12-14 
Now I want you to know, brothers, that what has happened to me has really served to advance the gospel. As a result, it has become clear throughout the whole palace guard and to everyone else that I am in chains for Christ. Because of my chains, most of the brothers in the Lord have been encouraged to speak the word of God more courageously and fearlessly.
2 Timothy 1:7
For God has not given us a spirit of fear and timidity, but of power, love, and self-discipline.
Hebrews 13:5-6
For He Himself has said, "I will never leave you nor forsake you." So we may boldly say: "The LORD is my helper; I will not fear. What can man do to me?"
1 Peter 3:13-14
Who is going to harm you if you are eager to do good? But even if you should suffer for what is right, you are blessed. "Do not fear what they fear; do not be frightened."
1 John 4:18
There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

Monday, November 19, 2012

Live While We're Young by One Direction (Lyric Video)

What is "Live While We're Young"? LWWY is the new song of One Direction from the "Take Me Home Album". One Direction's highly-anticipated song "Live While We're Young" was finally released with music video on September 20th of 2012. The music video was a pleasant surprise, cause it was not expected to be live. "Niall Horan, Liam Payne, Louis Tomlinson, Harry Styles, and Zayn Malik, members of One Direction"

If you thought "What Makes You Beautiful" and "One Thing" were inescapable ear candy, then One Direction fans might not able to resist the band's latest single, "Live While We're Young" and "Little Things"

- Source: MTV, and E-lyrics

Bago malaos itong kantang ito, gumawa na ako ng "Lyric Video" ng LWWY, At in-upload sa Youtube noong October Four, at nakakuha ito ng almost "Six Thousand Views and 80 likes". Napanood narin ito ng mga kaibigan at kaklase ko, maganda naman daw. Ang makulit na tanong nila ay kung "ilang papel ang ginamit" ko diyan sa video. Tumatawa nalang ako, mukha lang madami pero konte lang naman yung paper na ginamit ko, kasi yung iba back-to-back eh. Pero, almost Thirty A4 Size Paper.

Inabot ako halos One week, sa pag gagawa ng Lyric Video na ito. Pero masaya, ang nakakastress lang ay yung sa pag-eedit, kasi sobrang dami ng pictures, "F.Y.I." Pictures lang po ito, na pinagsasama ko kapg ineedit ko na, kaya medyo may kahirapan. Pero masaya, masya talaga.

Ang plan ko nga ay gumawa ng "Lyric Video" ng "Little Things" ng One Direction, big hits ngayon to eh. Gagawa ako by, next month, Pero hindi pa sure. Busy kasi schedule, tsaka wala akong tripod. Manghihiram pa ako.

So, ayun, panoorin niyo nalang muna yung video ko sa taas. Enjoy and God bless! Pinaghirapan ko yan kaya sana ma-appreciate mo, niyo! Mukha man akong tanga, pero malay mo, sumikat ako balang araw. Spread the word! God bless everyone. #LWWY

Thursday, October 18, 2012

Peer Pressure

Simula last month, puro problema nalang ako. Hindi na natatapos 'tong problema na 'to. Pero nandiyan naman si God kaya okay lang, si God na mag-aayos. SANA lang, maayos agad.

Hindi ko talaga alam kung lack of communication at trust, or talagang pinagpalit lang ako ni Daniel kay Miko. Kung di niyo kilala si Daniel at Miko, wag niyo na kilalanin, di niyo rin naman sila kilala eh. Kasi, lately, napapansin ko puro nalang silang dalawa magkasama, siyempre, sa part ko masakit, sobrang sakit, kasi halos lahat ng tao, gusto si Miko. Bakit kaya? Eh, hindi naman masama yung ugali ko ah? Okay. Mahilig akong mam-bully, pero Friendly Bully, sa akin, puro jokes. Ma-aapektuhan ba yung pakikisama nila kapag ganoon ako? Bakit? Sabi nila, magpakatotoo daw ako, pero kapag nagiging totoo ako parang nagagalit sila, pag plastic naman ako, magagalin din sila. Hayy! Sobrang hirap kasi, napapaligiran ako ng mga plastic na tao. Paano ka magiging totoo, kung puro sila Plastic. 

Puro nalang siya....Siya, siya, siya, siya na. Kaya nga gusto ko nalang umalis dito sa Saudi, di naman ako masaya dito, kasi mahirap mag-express dito sa ibang bansa. LAHAT NG TAO PLASTIC. Literally, lahat. 
Pati tuloy si Paolo, nasasaktan ko na, eh, kasi puro nalang sakit yung nandito sa loob ng puso at isipan ko. Si Paolo nga pala yung parang best-friend ko, lahat sakanya ko sinasabi, kasi nga si Daniel, laging silang magkasama ni Miko. Nasaktan ko si Paolo, kasi sinabi ko daw sakanya, "Sino ka ba?" kasi noong time na 'yon, naguusap kami ni Daniel, so sabi bibigyan niya ako ng advice, eh nag joke ako, sabi ko "Sino ka ba?" Eh, hindi ko naman alam na masasaktan pala siya, Minsan talaga, Think before you speak, talaga eh. Mahirap na kasi kapag nalabas mo na, hindi mo na mababawi yung mood niya....Kapag nagsorry naman ako, ayaw niya namang tanggapin, Oo, di ganoon kadali mag sorry sakanya, sa ginawa ko....Pero sana hindi naman yung iiwas siya. MASAKIT KAYA! Si Paolo, naiintindihan niya lahat ng problema ko. Pero, minsan nagsasawa na akong intindihin yung mga problema niya eh, kasi apektadong apektado siya. Mahal ko yon si Paolo. Sana nga di kami magkahiwalay. Haha!

Ang akala ni Paolo, porket nagkabati na kami Daniel, eh wala na siyang kwenta, kasi daw hindi ko na daw siya nilalapitan, palagi nalang daw si Daniel, Eh, parang hindi niya naman alam na nagkaaway kami, bumabawi lang ako kay Daniel. Pero, naiintindihan ko naman siya doon eh, kasi pinagdadaanan ko rin ngayon kung anong na-fefeel niya ngayon. Alam ko nasasaktan siya, sabi niya pa nga, gagawin niya daw lahat para bumalik siya sa dating Paolo, if you know what I mean. Pero, ayaw ko naman masaktan siya para lang sakin or para lang bumalik siya sa dati, maging sino man naman siya tatanggapin ko siya, pero wag naman sobrang pagbabago. Sa part ko, noong sinabi niya na, puro nalang si Daniel, sabi niya pa nga sakin na, sana magka problema daw ako, para lumapit ako ulit sakanya, ang sakit kaya noon. Kasi parang sinasabi niya na, ginagamit ko lang, or kailangan ko lang siya kapag may problema ako. PERO, hindi naman ganoon. Na-misinterpret niya lang eh. Sakit talaga nang pagkasabi niya, pero sa part niya mas masakit. Hindi ko alam kung, kakausapin ko ba siya, oh, hahayaan ko nalang muna siya. Ang sakit kasi, parang nakakahiya naman kasi kung kakausapin ko siya habang sobrang sakit ng ginawa ko. Sorry Paolo. Sige, promise ko sa'yo. Hahatiin ko yung time ko, para sa 'inyo. Para sa ;yo. Mahal kita Paolo ah? Tandaan mo yan, nandito ako para sa ;yo, gagawin ko lahat para sa'yo, kaya wag ka na magtampo ah? Ikaw may kwenta, si Daniel, totally, WALA. God bless us Paolo. Sana tumagal pa ako dito sa ibang bansa. *muah* *hugs*

Friday, September 7, 2012

No Other Friend.

Oo, masasabi niyo na parang ang drama ko. Eh kasi naman, hindi ko alam kung kanino ko pwedeng i-share. Parang wala naman may gustong makinig sa i-share ko sakanila eh. Kaya dito nalang. 

Meron akong kaibigan, itago natin sa pangalan na, "Daniel". Mabait naman siya, matalik ko siyang kaibigan. Dati palagi kaming masaya, dati nag-shasharean kami ng mga secrets. Pero ngayon, wala na. Nakahanap na siya ng bago niyang kaibigan, nagbago na lahat. Oo, okay lang naman sakin kung may bago siyang kaibigan, ang hindi lang okay ay yung parang nakakalimutan niya na ako. Itago natin na pangalan na "Miko" yung bago niyang kaibigan, sa totoo lang kaibigan ko din si Miko. Pero mas close sila ni Daniel, ang masakit na part dito, si Daniel, puro nalang si Miko ang pinupuntahan niya kapag may problema siya, kay Miko niya lang sinasabi mga sicreto niya. Nakakasakit lang sa part ko, kasi parang andito naman ako, pwede mo naman akong puntahan kapag may problema ka diba? Pero bakit puro nalang kay Miko.
Si Miko, halos lahat ng sicreto ni Daniel alam niya. Samantalang ako nandito, nasa isang sulok nag-dadrama. Si Miko lang naman pinagkakatiwalaan niya eh, ako wala akong alam ni isa. Puro nalang kasi Miko Miko Miko. Kahapon nga nagpunta kami sa bahay ni Daniel, nandoon din si Miko. Sana nga hindi nalang siya nagpunta. Patanong tanong pa si Miko kung bakit daw ako tahimik? "Aba, malamang. Inagaw mo yung bestfriend ko eh, siyempre, malulungkot ako" P*ta. Nagtanong pa, ang sakit lang talaga isipin na, ako na matagal niya nang kaibigan hindi ako pinagkakatiwalaan. Oo, dati immature ako, kaya sa 'kin na mismo mang gagaling na hindi ako mapapagkatiwalaan. Pero ngayon, matanda na 'ko. May utak na ko, para itahimik 'tong bibig ko. 

Yung crush ni Daniel si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung password sa cellphone si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung mga text messages ni Daniel, binabasa ni Miko, hindi naman nagagalit si Daniel, pero kapag ako magagalit siya. "Privacy daw" pero kapag si Miko, wala pagala gala lang sa Cellphone ni Daniel, wala siyang say. Unfair lang talaga nang mundo. Ito namang si Miko, lahat ng tao pinagkakatiwalaan siya. ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO? KUNG AKO BA SIYA... Sana mawala na siya sa buhay namin. Ugh. Hindi ko alam kanino ko sasabihin 'to. Kahit yung iba kong bestfriend, sobrang busy nila kaya di ko malabas 'to. Ang sakit sakit na, gusto ko nga i-try lumipat nang school, baka sakaling mamiss nila at hanapin ako. Nakakasakit lang talaga. Sana, kapag nagkaroon ako ng bagong kaibigan, hindi niya ako makakalimutan kahit may bago siyang kaibigan. 

Hayaan ko nalang 'to. Hindi ko naman siya kawalan, hindi ko SILA kawalan, kawalan nila ako. Uuwi narin naman ako next year sa Philippines, kaya hayaan ko nalang silang maging masaya, lalayo nalang ako, at maghanap ng bagong kaibigan, kesa nagpapaka-depress sa mga taong walang magawa sa buhay nila, May God bless them nalang! Karma is a Bitch. Beware. 

Ano nga ba ang Kaibigan?

Paano ba natin masasabing tunay ang ating kaibigan? Paano ba natin masasabing best friend natin siya? Ano ba ang isang kaibigan? Para saan ang kaibigan? Bakit kailangan ng kaibigan? Mat tunay pa bang kaibigan sa panahon ngayon? Diba ang kaibigan nagtutulungan yan? Diba dapat walang laglagan? Diba dapat pinagkakatiwalaan mo siya?

Marami akong kaibigan, pero hindi ko masasabing lahat sila ay tunay. Marami rin akong best-friend, pero hindi lahat tunay. Ano ba kasi ang K A I B I G A N? Diba ang kaibigan sila yung nandiyan para sa'yo kapag ikaw ay malungkot. Kapag ikaw ay sobrang down na. Meron pa bang ganoon? Para sa 'kin, Oo, pero konte nalang. Or siguro kaya ko nasasabi ang mga ito dahil nakaranas na 'ko? Or mararanasan ko palang. Marami naman kasi akong kaibigan eh, pero ang feeling ko useless ako. Parang wala akong kwenta? Kasi di naman sila nagpaparamdam. Kaya bakit pa ako magpaparamdam diba?

Ang problema lang kasi sakanila, hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Hindi na kasi ako yung dati na, I M M A T U R E na pagsasabi ko kahit kanino yung shina-share nila sa 'kin. Ang sakit kaya nung feeling na, sa iba ko pa malalaman. Minsan, dun ko nararamdaman pag ka useless kong kaibigan. LAHAT sila, hindi ako PINAGKAKATIWALAAN. Sige, sasabihin nila "Hindi ah, pinagkakatiwalaan ka namin"... O weh? Pinagkakatiwalaan daw? Eh bakit, ni minsan hindi kayo nag-sabi ng secreto niyo sa 'kin? Tsk. May kaibigan na pala ngayon na hindi pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan. Ang hirap dre, kailangan ko ng advice. Or kailangan ko ng tao na mapapag-sabihan ko nitong problema ko. 

Mahirap pero kakayanin ko, problema lang yan. Meron naman akong GOD. Matutulungan niya ako sa aking MALAKING PROBLEMA ngayon na hinaharap. God bless us all! 

Friday, August 24, 2012

Why like this?

Hindi ko alam, paano ko sisimulan 'to eh. Baka kasi may makabasa at i-take seriously. Pero sige. Oo, sabihin na nating may bestfriends ako. Pero, minsan ko lang kasi silang makasama. At kapag kasama ko sila, Parang ang awkward para sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung bakit? Iba kasi ang bestfriend sa close friend eh. Yung relasyon ko sakanila, parang close friend lang, hindi yung talagang "Best friend". Hindi ko lang talaga feel eh. Kasi, parang ako lang yung naiiba sakanila. Oo, marami akong bestfriend, karamihan sa kanila, parang "Close Friend" ko nalang para sa akin. Magkaiba kasi ang relasyon ng mag-bestfriend, sa closefriend eh. Ang bestfriend kasi, yung parang araw araw may communication, arawaraw nagkikita, nagyayakapan. At kung ano ano pa. Yung close friend naman, parang, magkaibigan lang na sobrang close lang talaga sa isa't isa, yung walang commitments. Parang ganon. So, I call them my "close friends" not "bestfriend". Ang drama ko lang kasi pagdating sa mga ganyan.

Ang gusto kong bestfriend, eh yung may commitment kami sa isa't isa, palagi kaming may communication, importante kasi yung communication para tumibay ang isang relasyon, kung walang ganito, eh malabong tumibay ang kahit anumang relasyon.  Gusto ko kasi nung bestfriend na parang, cool lang sa isa't isa, yung walang ilangan. Walang inggitan. Gusto ko kasi isa lang yung bestfriend ko. Siguro sa Pinas lang ako makakahanap ng totoong bestfriend. Hindi ko naman sinasabing, walang kwenta yung mga bestfriend ko ngayon. Pero kasi, may hinahanap akong kakaiba, or hinahanap ko kasi yung requirements ng isang bestfriend.

Yung mga napapanood kong mag-bestfriend sa mga movies, eh ang sweet. Palaging may communication, may mga bagay na nagkakasundo sila. Palaging masaya, yung walang halong drama. Yung nagtutulungan sa lahat ng bagay na gagawin. Yung hindi nakikipag-plastican sa isa't isa. Yung hindi masyadong ma-pride. Di bale, I'll just trust GOD. Balang araw, makakahanap din ako ng bestfriend na tunay na mababa ang pride at hindi plastic. Tiwala lang. Sa mga nakakabasa nito, hindi ko po sinasabing walang kwenta mga bestfriend ko ngayon. In Fact, mabait naman sila sakin. May hinahanap lang talaga akong "Tunay na Kaibigan". At hindi ko mahanap dito sa lugar na ito. Kaya, baka sa susunod na "School Year" sa pinas na ako mag-aaral. Kasi sa pinas baka may tunay na kaibigan doon. Don't take this post, seriously. Gusto ko lang mag-express.

Godbless Everyone! 

Monday, August 13, 2012

Favorite Candy

Ito yung favorite kong Candy eh, Tawag dito Ring Candy. Iba't ibang flavor yan. Halos lahat naman ata masarap. Kasi, basta sweets masarap na para sakin 'eh. Nakalimutan ko kung saan nakakabili eh, pero meron akong stock. Kaya lang tatlo nalang yung nandito eh, Gusto mo? Bili ka! Ewan ko lang kung bakit ang sarap kainin nitong Candy na 'to. Parang bumabalik ako sa pagka bata. Noong bata ako, hindi siya ganyan eh. Noong bata ako, parang Powder siya, pero ganyan siya. Hindi ko alam, basta simula noong bata ako, favorite ko na yung mga ganyang Candy. nag-eenjoy ako eh!

Mura lang kasi itong candy na ito, Eh, Yung mura lang naman yung kaya kong bilhin, siyempre, hindi naman ako mayaman, Kaya wala akong pambili. E, sila mama, ayaw naman nila akong kumakain ng matatamis kasi nga, sobrang taba ko na. Hindi naman sobra, basta "mataba". Anyways, Dito sa Jeddah, Saudi Arabia, .50 Halala lang yan eh. Kaya marami akong binibili niyan! Hayaan mo kapag nagkita tayo bibilhan ko kayo niyan. 

Try niyo siya, masarap siya, kaya lang aalamin ko pa kung saan nabibili, kasi nga po, nakalimutan ko na, kain na muna kayo ng ibang candy diyan sa paligid. Pang poor lang itong candy, kaya para sakin lang ata 'to? Haha! Sige, Nag share lang naman ako. God bless us all! 

Saturday, August 11, 2012

My Friend's Pride and Plasticness

Nakakainis pala kapag may kaibigan kang mataas yung pride 'no? Halos lahat nalang gusto niya siya yung the best. Kala niya, palagi siyang tama, gusto niya, siya lang palagi mag dedesisyon, gusto niya siya lang nasusunod. Aba'y di naman pwede 'yon. Di lang naman siya yung tao sito sa mundong ibabaw. Nakakabuysit lang talaga. Ayoko kasi sa isang tao yung sobrang ma-pride.

Yung kaibigan kong iyon, minsan natatawag ko siyang walang kwentang kaibigan, kasi wala siyang pakielam kahit may nasasaktan na siyang tao. Kapag siya yung nang iinis, di ko kayang magalit, pero kapag ako na gumawa ng move na 'yon. Inis na inis naman ang deputa. Kapag kasama ma 'yon. Matututo kang makipag plastican. Kasi sobrang plastic, buti nga wala siya sa pinas, kasi baka tangayin siya ng tubig. "Di natutunay ang mga plastic, dapat diyan sunuginl dapat lang. Para mawala na mga salot sa mundong ito.

Sigurado naman ako, ayaw niyo rin sa mga taong plastic at ma-pride. Sino bang may gusto nito? Siguro, mga kapwa nila. Mga kapwa nilang, plastic.

Buysit na buysit talaga ako sakanya, grabe sobra, sobra sobra na. Hindi ko lang masabi sakanya 'tong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilalagay. Kasi kapag sinabi ko sakanya, baka ma-offend siya, masira pa friendship namin. Pero, kapag ako napuno na talaga, kapag nainis na 'ko. Aba, didiretsuhin ko na siya. Ayoko na ng ganon, mas gusto ko nang isuko yung friendship, kesa makipag-plastican sakanya.

God bless you bro. Good luck nalang! God will help us, fix this problem. Smile nalang tayo.

Ramadan Break

So. Ito na siguro yung start ng Chillax days, pero feeling ko hindi pa eh, kasi, marami pa kaming gagawin eh, kala ko bakasyon grande na 'to. May project pa kasi kami sa Values, yung Music Video pa. Iniisip ko nga na huwag nalang i-pass, kasi yung mga groupmates ko walang cooperation eh. Nakaka-buysit nalang. Yung ikaw nag-papakahirap magisip ng idea, samantalang sila, puro gala lang iniisip. Deputa namna yan! Pero, kakayanin  naman namin, sana lang talaga may cooperation sila, kasi silang lahat, mareklamo. Akala mo sila yung maghihirap. Siguro, next week nalang kami magshooting. Hopefully, matapos namin agad agad.

Ramadan Break. Starting today, Saturday of August 11, 2012.  Wala lang, dito lang ako sa bahay hanggang sa August 27, 2012 yung pasokan na. Nakakamiss din pala si baon, wala tuloy akong pera, kaya minsan mix emotions eh, minsan ayokong mag bakasyon kasi wala nga akong baon, sayang din yung two weeks, na walang baon. Pero, syempre masaya, kasi wala nang pasok, di ko na naman makikita mga haters ko sa School, taray, haters. 

This Ramadan Vacation, magaaral talaga akong magpiano, pero hindi pa ngayon, baka next week, tinatamad pa akong magaral, kakaral ko lang sa school noong wednesday, tapos aral na naman dito sa bahay, nakakatamad. Spell TAMAD. Eh, wala eh, tinatamad talaga ako. Basta, gusto ko lang magtwitter, forever. Di, joke lang! Siyempre, kailangan ko rin, kumilos, upang di mamatay ng maaga. 

Sana maenjoy ko ang Vacation na ito, God bless everyone ~ See you again, sa pasukan mga classmates! 

Wednesday, August 8, 2012

Last day of Exam

Ready ka na ba, sa kwento ko? Matutuwa't malulungkot ka. Simula noong August Six, wala na akong tulog. Kasi, pinagpuyatan ko talaga yung mga grades ko. Three'o clock nang Madaling araw na ako, nakakatulog, kasi puro memorization ang peg ng exam, Mababaliw ka nga talaga. Isa-isahin ko ba lahat ng in-exams namin? Sige. Hindi, wag nalang.

May bad news, at good news ako. Unahin ko na yung Good news, okay, marami akong mataas na grade, lalo na sa mga minor subjects, na-perfect ko yung TLE, two mistake ako sa Computer. Ngunit, bagsak naman yung mga major ko, katulad ng Biology, grabe. Alam ko nang bagsak ako doon, pati Mathematics, siguro sa Math, Fifteen over Seventy Five lang ako. Seriously, nag-aral ako. Pero, mahirap talaga yung mag examples, di lang naman ako yung bagsak, kaming LAHAT, Literal na lahat. Kahit yung pinaka-matalino sa'min, walang hiya kasi si Math, Nakakaasar. Sa biology naman kasi, puro Essay, tapos kailangan Onehundred twenty words dapat. Da fuck, kaya ayon, sigurado ng failed yun.

Mas marami naman ang good news, pero stay positive parin ako sa mga Bad news, di pa naman sure eh. Basta tiwala lang kay God. Siya na ang bahala sa lahat. Atleast, natapos na ang pamatay sa utak naming Sophomores, grabe. Buti nalang, nasagutan ko lahat, kala ko susuko na yung memory ko, kala ko talaga sasabog na ko, sa sobrang dami.

Kampante lang ako, yung sa English, kasi, nag-focus talaga ako, kaming lahat doon. Pati na rin sa Filipino, kampante ako ng mataas yung grade, ko basta positive lang palagi ang ating Peg. Sa Asian History, ah. Dito ako, hinding hindi kampante. Kasi yung teacher namin doon, walang kwenta, grabe. Ang bagal mag discuss, di man lang magagamit yung tinatawag nilang "Stock Knowledge" kasi nga napakabagal mag salita noong baklang haliparot na 'yun. Sana nga mabasa niya 'to. Nang malaman niya mga pinag-gagawa niya. Tngna yung baklang yun, wala ng kwentang magturo, ang sungit sungit pa ng puta. Mamatay ka na uy, umuwi ka na sa pinas, at pumunta ng Marikina, upang matangay ka na.  God bless you Teacher Sunget.

Kanina, may chuvaness Club sa school, yung parang extra curricular works sa school, so, ako, pumunta ako sa Computer/TLE Club. Para wala misyadong gawin, ang boring na kasi. Kaya lang, kailangan ko pang mag-tiyaga, mga Seven months pa akong maghihirap sa school na 'to. No offends ah? Ayoko lang talaga dito sa Jeddah, ngayon. Kasi nga, umaapaw na mga plastic. Dapat sa pinas nalang kayo, para itangay na kayo ng baha uy. Sa computer club, or TLE Club, wala lang, luto luto, HTML's, Java scripts, etc. Basta tungkol sa computer, at TLE. Kesa naman sa ibang borings lalo na Club, di ako nag Sports club, kasi nga nandoon yung mga ayaw kong makita na tao. Hala? Haha. Nakakatakot na eh, baka ano pang magawa ko sakanila, baka mapatay ko sila.  Enjoyin' ko nalang yung Club na 'to. Andito na, wala na akong magagawa pa kahit ano pa man ang mangyari.

So, ayun. Tapos na ang paghihirap, Ramadan break naman, 3 weeks ata ito. Todo relax naman muna ang first week. Tapos next week naman, puro stress na ulit, kasi gagawa pa kami ng Music Video para sa Values. Sige, God bless nalang sainyo! Enjoy your Vacation. Ramadan break, O yeah. Good luck sainyo!


Sunday, August 5, 2012

Day 2 of Reviewing

Review. Ito, tapos na ako sa TLE, at Values, mamaya magreview ako ng History, atleast isa nalang diba? Hindi na ako ma-rurush. Sana lang kasi maperfect ko yung iba. Oo, mahirap sobra. Pero, kaya ko 'to. Andiyan naman si God. Kahit wala man akong inspiration, andiyan naman yung family ko.

Madaling exam lang ata yung TLE. Hayun lang, wala nang iba, yung iba pamatay na sa utak. Baka di ko makaya, magmemory full na utak ko sa sobrang dami. Day 2 of Reviewing ko ngayon, Pero bukas na yung exam, grabe. Hindi naman ako misyadong prepared, SANA talaga makaya ko yung exams. Monday, Tuesday  Wednesday yung exam eh. Sana, matapos na, gusto ko nang magbakasyon.

Goodluck niyo naman ako. Guys, review muna ako ah? Goodluck sa aming lahat, sana nasa Top 1 ako. Kahit, top 2 nalang. Hayun lang naman. Godbless everyone! Goodluck me. Wooohoooo!

Friday, August 3, 2012

Day 1 of Reviewing

Uunahin ko muna yung Madali, tapos yung mahirap naman. Actually. Sa first day, madali lang, pero yung second at third, yun yung mahirap eh. First exam namin, TLE, MAPEH, atsaka Asian History eh. So, yung Asian History lang talaga yung pamatay sa utak.

Magreview muna ako ah? Gusto ko kasi ma-impress silang lahat, pati narin sila mama at papa. Gagawin ko talaga lahat, para worth it naman yung mga binibigay nila sakin. Mahirap talaga, kasi wala namang madali. Pero kung magsusumikap ka, madali lang. Atsaka, andiyan naman si God eh, Siya na ang bahala sa lahat. Ako lang taga gawa, siya taga isip. Have faith in him. Amen!

Sige. Hanggang dito nalang muna, hintayin niyo yung Day 2, at Day 3 of Review ko. Goodluck niyo naman ako oh? Kaya ko naman 'to. Basta. Kaso wala ako Inspiration eh, Pahingi? God bless us all! Goodluck Bad'rian.

Start a Review Part II

Honestly. Wala pa akong na-rereview. Eh, kasi nga gumagawa pa ako ng reviewer, para bukas nagrereview nalang ako. Nakakatamad kasi magsulat, kaya type nalang. Atleast, kapag nagtype ako, may kasama akong twitter at facebook. Hala! Sige. Goodluck ulit! Be right back.

Thursday, August 2, 2012

Exam Week

Exam Week nanaman. Yung last time, long test. Ngayon naman, First Quarter. Alam ko naman na kaya ‘ko to eh. Kasi gusto ko talaga maging Top 1 or basta nasa Top. Kung wala man ako this quarter sa Top, E, no choice. Bawi nalang tayo next quarter. Mahirap, Oo. Wala namang madali eh. Kaya nga, this weekends talaga, after posting tweets, review na agad. 
Dati, noong long test, wala naman akong bagsak. Pero average lang naman. Sana ngayong quarter, ma-impress naman yung mga teachers. Hala? So ayun, pagbubutihin ko nalang. Review week muna ah?
God will help me naman sa lahat ng gagawin ko. Sobrang dami talaga ng irereview, as in. So, magbabasa na ako agad. Kasi usually, nagrereview ako, kinabukasan exam na. Goodluck everyone!  Yung exam namin ay sa August 6, 7, 8 2012 :)

Online Contest

Meron akong ipagyayabang sa inyo. Noong March, something like that. Sumali ako sa isang Online Contest,  yung magpost ka ng picture tapos paramihan ng likes, tapos ayon,pinalike ko sa mga friends ko, at total nung likes ay 120 likes, tapos noong March 18, 2012. May nag email sa akin, sabi nanalo daw ako doon sa Contest. So ayun, sabi nila i-email ko daw yung address ko kung saan nila ipapadala, tapos, Hangtagal naming  naghintay, mga One Month, naisip na nga namin na-SPAM lang siya, kala namin Fake. Halos lahat, Si Ate, Si Tita, Si Mama, akala nila Spam lang siya, kasi diba karaniwan ngayon puro Spam na?

So ayun na, Noong April 20, 2012, Nagulat kami, Gabi noon, galing kaming Fiesta. Tapos pagdating namin sa bahay, yung kapitbahay namin, sabi, may nagpadala daw sakanila noon, kasi wala kami sa bahay, kaya ayon, sa kapitbahay binigay, tapos pagdating namin, sabi noong kapitbahay, may "PACKAGE" daw kami, naka FedEx na plastic yung mismong Package eh. Tapos, noong una akala ko, kung ano. Tapos, noong pagbukas namin, nakita namin agad. "Congratulations Bench, You won the Contest. Enjoy your new Phone" Ganoon, ganyan. In-Open namin yung mismong Package, tapos, nakita ko na yung Box nung Phone. Muntik akong mahimatay grabe. Yung phone nga palay ay " Galaxy Note ". Grabe, Ang saya noong araw na yun, Sobrang bless namin talaga. Na-Shock talaga kaming lahat, As in.

Actually, Dream Phone ko yung Galaxy Note, Tapos nagpray ako na sana magkaroon ako ng ganoong Phone, Ayun, Dream Come true. Grabe, Sobrang Thankful ko talaga! Tapos sila ate, sabi nila, Sana daw sumali din sila, para lahat kami merong Galaxy Note. Eh, kasi nga dati hindi ko rin ako naniniwala doon sa mga ganon, kala ko nga din SPAM eh. Tapos, hindi naman pala. So ayun, Mix emotions sila. Pero ako masaya talaga! So ayun lang naman. Godbless everyone! Thank you god sa blessings. :)

Ako Si Bench : Introduction

Ako po si Bench Lopez. Ako po ay Aspiring Blogger, Ako po ay isang trying-hard na blogger. Ako po ay nabuhay noong Hunyo 26. Hindi ako matalino, average lang. Favorite subject ko ay BREAK. Hindi, seriously, favorite ko Science, at English.

Mahilig akong magcomputer, magblog, at mag twitter. Syempre, kapag may nakain akong kakaiba, sinisipag akong mag-aral. Tawagin niyo nalang akong Bench. Hindi po ako si Marcelo Santos, Oh, Sino mang sikat na blogger. Ako po si Bench. The one and only, at unique ako. Wala akong katulad.

Masaya ako sa buhay ko ngayon, kasi kasama ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Maraming may ayaw sakin, PERO mas maraming nagmamahal sa akin. Kapag may ayaw sakin? So what, eh di ayaw ko din sila. Di naman nila ako kilala para husgahan nila ako. At di sila perpekto, para makapanghusga ng todo. Bwagas!

Malakas ako, dahil anjan si GOD, na mag guide sa akin. Ayun lang namin! Hanggang sa muli. Ako po si Bench Lopez, Thirteen year old nga pala from Pampanga. :)

Best Tagalog Quotes Account On Twitter

  Top #10 Best Tagalog Quotes Account On Twitter

Top 1. ( @PINOY_QUOTES ) 
Top 2. ( @PinoyBookOfLove ) 
Top 3. ( @MgaKasabihan )       
Top 4. ( @MisterBanatero )        
 Top 5. ( @ShitHappensDre )    
Top 6. ( @TagalogQuotes )      

Top 7. ( @WagTanga )              
Top 8. ( @PatamaSayo )           

Top 9. ( @PatamaTweets )           
Top 10. ( @MatamaanKa )         

Lahat ng quotes diyan, magaganda! Check out their tweets! Sasaya yung buhay niyo. Good luck! 

Lecture Notes: Reviewer

Gumawa na ako ng Lecture Notes, para nagrereview nalang ako. Kasi sobrang dami ng i-exam sa Monday. Kaya kailangan ready na agad diba? Mahirap mag-type, pero sana'y na ako. Makaktulong 'tong reviewer sa 'kin.  Misyadong madami yung exam, mag-focus muna ako. Goodluck!


Noon, Ayaw ko magtwitter, kasi parang ang hirap gamitin, di katulad ng facebook, ang dali lang. Sa twitter, andami pang kalikot. Basta, ang complicated gamitin. Pero ngayon, grabe, halos lahat ng tao naa-addict na sa twitter. Ewan, mas prefer ko mag twitter kesa Facebook. Kasi sa Facebook pakilamero mga tao dun eh, dito sa twitter. Wapakels, basta hindi nakaka-offend pasuk ka sa trend.

Ewan ko lang ah? Pero, I guess lahat tayo libang na libang sa social network na "Twitter". Bakit nga ba? Eh, kasi dito sa twitter, na-ilalabas natin lahat ng mga sakit na nararamdaman natin. Ako kasi, ginagawa ko siyang, Online Diary. Halos lahat na ng ginagawa ko. Nailagay ko na sa "Twitter".

Anyway, hindi lang naman ako nag-twutwitter for personal use eh. Meron din akong Quotes Account, kaya kailangan, o needed talaga magtweet ng quotes everyday. Kaya lang minsan, nauubusan na ko eh. Pero, laging may pumapasok sa isip ko na bagong quotes eh. Minsan nga, nag-schedule ako, kasi may pasok ako, may mai-tweet lang para sa mga followers. Masaya ako na madaming Retweets eh. Parang heto na yung buhay ko. Yung iba alam nila na ako yun eh, pero yung iba hindi, Ayaw ko pang sabihin, nakakahiya kasi eh.

Sa twitter kasi, dumadami yung kaibigan ko, tapos kapag nag trend yung pinapa-trend mo ang saya saya.
Yung parang nakaka-proud kasi ikaw yung nagpa-trend non.

Kaya kayo guys, mag twitter na kayo. Sabayan niyo kami, masaya ito, sa una, parang boring, pero kapag marami ka ng followers, sobrang saya na. At kung stress ka, mawawala yang stress mo, basta mag-twitter ka lang. Heto yung link " " at yung twitter username ko ay, @thebenchycode. Follow niyo ko ah?

Wednesday, August 1, 2012

There is no Place like Home

Second Year Batch 2012 - 2013

Grabe, dalawa na ang school na napuntahan ko na nag-close. Na-miss ko na yung dati. Nag-close kasi yung favorite kung school, which is Al Hekma, nag-closed sila for some problems. Tapos last year, lumipat naman ako sa Al Bozouq, nagclosed din sila. Actually, private problems. Kaya di na kailangan pang ipagsigawan. 

Honestly, hindi ako at-home sa bago kong school, Oo, kakapasok palang, sasabihin niyo hindi pa ako nakapag-adjust, pero, hindi yun eh, kasi dati sa Hekma, pagpasok ko palang, I felt at-home. Yung parang bang todo welcome sila. Sa new school ko, wala lang, masaya naman, pero may kulang parin eh. At, to tell you frankly, mayabang mga tao dito. (Wala sanang, magalit) Pero, sige sabihin na nating nag-aadjust pa ako.

Pero, yung mga classmates ko, ayun, doon lang ako masaya. Pero, paglabas mo ng classroom, wala na, feels like hell na ulit. Kaya nga the whole day, nasa loob ako ng room eh. 

I will not mention nalang the school. Makakapag-adjust din ako. Pag dating ng panahon. Sa ngayon, studies muna iniisip ko, wala munang pake sa mga nangyayare.....

 God bless everyone!

Start a Review

Paano nga ba magsimulang magaral para sa Exams? Siyempre, pinaka-una. Tanggaling ang mga disturbances , Ako kasi puro ako twitter, facebook, at blog. Kaya for three days, kailangan ko munang iwasan ang mga ito. Parang di ko naman ata kayang mawala sila. Sila lang kasi nagpapasaya sakin. Three days no Internet? Omaygolay. Parang hindi ko talaga kaya, ikaw kaya mo kaya? Sure ako hindi.

Grabe, Yung first quarter exam namin, buong book pagaaralan. Tapos, 40% lang yung nasa exam. Pinakamahirap kasi yung memorization eh, Lalo na sa, Biology, Asian History, TLE, Computer, at MAPEH. Pero, magcoconcentrate lang ako sa English, kasi yung English teacher namin, namimigay ng mga regalo sa mga perfect. Kahit hindi perfect, basta pumasa daw sa Average niya. Grabe, Alam niyo yung mga Parker Pens? Ganoon daw bibigay niya, Waaah! Pagbubutihan ko talaga yung English. Yung noong Long test, sayang. Malapit na eh. Di bale na, this quarter talaga babawi ako. PROMISE!

Magstart nakong magreview bukas, weekends. Thursday at Friday, pero siyempre di maalis yung pag-twitter ko. Eh, kasi naman si twitter, panira sa pag-aaral. Gagawa ako schedule, kung ano mauuna, para ma-balance kong maayos yung pag-aaral ko. Divide sa oras ng twitter, sa pagaaral, etc. Lahat naman tayo, di maiiwasan mag-social media diba?  Haha! So, Ayun, Goodluck nalang sa aming lahat! Anjan naman si God eh, kaya ko 'to.