Friday, September 7, 2012

No Other Friend.

Oo, masasabi niyo na parang ang drama ko. Eh kasi naman, hindi ko alam kung kanino ko pwedeng i-share. Parang wala naman may gustong makinig sa i-share ko sakanila eh. Kaya dito nalang. 

Meron akong kaibigan, itago natin sa pangalan na, "Daniel". Mabait naman siya, matalik ko siyang kaibigan. Dati palagi kaming masaya, dati nag-shasharean kami ng mga secrets. Pero ngayon, wala na. Nakahanap na siya ng bago niyang kaibigan, nagbago na lahat. Oo, okay lang naman sakin kung may bago siyang kaibigan, ang hindi lang okay ay yung parang nakakalimutan niya na ako. Itago natin na pangalan na "Miko" yung bago niyang kaibigan, sa totoo lang kaibigan ko din si Miko. Pero mas close sila ni Daniel, ang masakit na part dito, si Daniel, puro nalang si Miko ang pinupuntahan niya kapag may problema siya, kay Miko niya lang sinasabi mga sicreto niya. Nakakasakit lang sa part ko, kasi parang andito naman ako, pwede mo naman akong puntahan kapag may problema ka diba? Pero bakit puro nalang kay Miko.
Si Miko, halos lahat ng sicreto ni Daniel alam niya. Samantalang ako nandito, nasa isang sulok nag-dadrama. Si Miko lang naman pinagkakatiwalaan niya eh, ako wala akong alam ni isa. Puro nalang kasi Miko Miko Miko. Kahapon nga nagpunta kami sa bahay ni Daniel, nandoon din si Miko. Sana nga hindi nalang siya nagpunta. Patanong tanong pa si Miko kung bakit daw ako tahimik? "Aba, malamang. Inagaw mo yung bestfriend ko eh, siyempre, malulungkot ako" P*ta. Nagtanong pa, ang sakit lang talaga isipin na, ako na matagal niya nang kaibigan hindi ako pinagkakatiwalaan. Oo, dati immature ako, kaya sa 'kin na mismo mang gagaling na hindi ako mapapagkatiwalaan. Pero ngayon, matanda na 'ko. May utak na ko, para itahimik 'tong bibig ko. 

Yung crush ni Daniel si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung password sa cellphone si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung mga text messages ni Daniel, binabasa ni Miko, hindi naman nagagalit si Daniel, pero kapag ako magagalit siya. "Privacy daw" pero kapag si Miko, wala pagala gala lang sa Cellphone ni Daniel, wala siyang say. Unfair lang talaga nang mundo. Ito namang si Miko, lahat ng tao pinagkakatiwalaan siya. ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO? KUNG AKO BA SIYA... Sana mawala na siya sa buhay namin. Ugh. Hindi ko alam kanino ko sasabihin 'to. Kahit yung iba kong bestfriend, sobrang busy nila kaya di ko malabas 'to. Ang sakit sakit na, gusto ko nga i-try lumipat nang school, baka sakaling mamiss nila at hanapin ako. Nakakasakit lang talaga. Sana, kapag nagkaroon ako ng bagong kaibigan, hindi niya ako makakalimutan kahit may bago siyang kaibigan. 

Hayaan ko nalang 'to. Hindi ko naman siya kawalan, hindi ko SILA kawalan, kawalan nila ako. Uuwi narin naman ako next year sa Philippines, kaya hayaan ko nalang silang maging masaya, lalayo nalang ako, at maghanap ng bagong kaibigan, kesa nagpapaka-depress sa mga taong walang magawa sa buhay nila, May God bless them nalang! Karma is a Bitch. Beware. 

Ano nga ba ang Kaibigan?

Paano ba natin masasabing tunay ang ating kaibigan? Paano ba natin masasabing best friend natin siya? Ano ba ang isang kaibigan? Para saan ang kaibigan? Bakit kailangan ng kaibigan? Mat tunay pa bang kaibigan sa panahon ngayon? Diba ang kaibigan nagtutulungan yan? Diba dapat walang laglagan? Diba dapat pinagkakatiwalaan mo siya?

Marami akong kaibigan, pero hindi ko masasabing lahat sila ay tunay. Marami rin akong best-friend, pero hindi lahat tunay. Ano ba kasi ang K A I B I G A N? Diba ang kaibigan sila yung nandiyan para sa'yo kapag ikaw ay malungkot. Kapag ikaw ay sobrang down na. Meron pa bang ganoon? Para sa 'kin, Oo, pero konte nalang. Or siguro kaya ko nasasabi ang mga ito dahil nakaranas na 'ko? Or mararanasan ko palang. Marami naman kasi akong kaibigan eh, pero ang feeling ko useless ako. Parang wala akong kwenta? Kasi di naman sila nagpaparamdam. Kaya bakit pa ako magpaparamdam diba?


Ang problema lang kasi sakanila, hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Hindi na kasi ako yung dati na, I M M A T U R E na pagsasabi ko kahit kanino yung shina-share nila sa 'kin. Ang sakit kaya nung feeling na, sa iba ko pa malalaman. Minsan, dun ko nararamdaman pag ka useless kong kaibigan. LAHAT sila, hindi ako PINAGKAKATIWALAAN. Sige, sasabihin nila "Hindi ah, pinagkakatiwalaan ka namin"... O weh? Pinagkakatiwalaan daw? Eh bakit, ni minsan hindi kayo nag-sabi ng secreto niyo sa 'kin? Tsk. May kaibigan na pala ngayon na hindi pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan. Ang hirap dre, kailangan ko ng advice. Or kailangan ko ng tao na mapapag-sabihan ko nitong problema ko. 

Mahirap pero kakayanin ko, problema lang yan. Meron naman akong GOD. Matutulungan niya ako sa aking MALAKING PROBLEMA ngayon na hinaharap. God bless us all!