Friday, September 7, 2012

Ano nga ba ang Kaibigan?

Paano ba natin masasabing tunay ang ating kaibigan? Paano ba natin masasabing best friend natin siya? Ano ba ang isang kaibigan? Para saan ang kaibigan? Bakit kailangan ng kaibigan? Mat tunay pa bang kaibigan sa panahon ngayon? Diba ang kaibigan nagtutulungan yan? Diba dapat walang laglagan? Diba dapat pinagkakatiwalaan mo siya?

Marami akong kaibigan, pero hindi ko masasabing lahat sila ay tunay. Marami rin akong best-friend, pero hindi lahat tunay. Ano ba kasi ang K A I B I G A N? Diba ang kaibigan sila yung nandiyan para sa'yo kapag ikaw ay malungkot. Kapag ikaw ay sobrang down na. Meron pa bang ganoon? Para sa 'kin, Oo, pero konte nalang. Or siguro kaya ko nasasabi ang mga ito dahil nakaranas na 'ko? Or mararanasan ko palang. Marami naman kasi akong kaibigan eh, pero ang feeling ko useless ako. Parang wala akong kwenta? Kasi di naman sila nagpaparamdam. Kaya bakit pa ako magpaparamdam diba?


Ang problema lang kasi sakanila, hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Hindi na kasi ako yung dati na, I M M A T U R E na pagsasabi ko kahit kanino yung shina-share nila sa 'kin. Ang sakit kaya nung feeling na, sa iba ko pa malalaman. Minsan, dun ko nararamdaman pag ka useless kong kaibigan. LAHAT sila, hindi ako PINAGKAKATIWALAAN. Sige, sasabihin nila "Hindi ah, pinagkakatiwalaan ka namin"... O weh? Pinagkakatiwalaan daw? Eh bakit, ni minsan hindi kayo nag-sabi ng secreto niyo sa 'kin? Tsk. May kaibigan na pala ngayon na hindi pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan. Ang hirap dre, kailangan ko ng advice. Or kailangan ko ng tao na mapapag-sabihan ko nitong problema ko. 

Mahirap pero kakayanin ko, problema lang yan. Meron naman akong GOD. Matutulungan niya ako sa aking MALAKING PROBLEMA ngayon na hinaharap. God bless us all! 

No comments:

Post a Comment