Friday, August 24, 2012

Why like this?

Hindi ko alam, paano ko sisimulan 'to eh. Baka kasi may makabasa at i-take seriously. Pero sige. Oo, sabihin na nating may bestfriends ako. Pero, minsan ko lang kasi silang makasama. At kapag kasama ko sila, Parang ang awkward para sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung bakit? Iba kasi ang bestfriend sa close friend eh. Yung relasyon ko sakanila, parang close friend lang, hindi yung talagang "Best friend". Hindi ko lang talaga feel eh. Kasi, parang ako lang yung naiiba sakanila. Oo, marami akong bestfriend, karamihan sa kanila, parang "Close Friend" ko nalang para sa akin. Magkaiba kasi ang relasyon ng mag-bestfriend, sa closefriend eh. Ang bestfriend kasi, yung parang araw araw may communication, arawaraw nagkikita, nagyayakapan. At kung ano ano pa. Yung close friend naman, parang, magkaibigan lang na sobrang close lang talaga sa isa't isa, yung walang commitments. Parang ganon. So, I call them my "close friends" not "bestfriend". Ang drama ko lang kasi pagdating sa mga ganyan.

Ang gusto kong bestfriend, eh yung may commitment kami sa isa't isa, palagi kaming may communication, importante kasi yung communication para tumibay ang isang relasyon, kung walang ganito, eh malabong tumibay ang kahit anumang relasyon.  Gusto ko kasi nung bestfriend na parang, cool lang sa isa't isa, yung walang ilangan. Walang inggitan. Gusto ko kasi isa lang yung bestfriend ko. Siguro sa Pinas lang ako makakahanap ng totoong bestfriend. Hindi ko naman sinasabing, walang kwenta yung mga bestfriend ko ngayon. Pero kasi, may hinahanap akong kakaiba, or hinahanap ko kasi yung requirements ng isang bestfriend.

Yung mga napapanood kong mag-bestfriend sa mga movies, eh ang sweet. Palaging may communication, may mga bagay na nagkakasundo sila. Palaging masaya, yung walang halong drama. Yung nagtutulungan sa lahat ng bagay na gagawin. Yung hindi nakikipag-plastican sa isa't isa. Yung hindi masyadong ma-pride. Di bale, I'll just trust GOD. Balang araw, makakahanap din ako ng bestfriend na tunay na mababa ang pride at hindi plastic. Tiwala lang. Sa mga nakakabasa nito, hindi ko po sinasabing walang kwenta mga bestfriend ko ngayon. In Fact, mabait naman sila sakin. May hinahanap lang talaga akong "Tunay na Kaibigan". At hindi ko mahanap dito sa lugar na ito. Kaya, baka sa susunod na "School Year" sa pinas na ako mag-aaral. Kasi sa pinas baka may tunay na kaibigan doon. Don't take this post, seriously. Gusto ko lang mag-express.

Godbless Everyone! 

Monday, August 13, 2012

Favorite Candy





Ito yung favorite kong Candy eh, Tawag dito Ring Candy. Iba't ibang flavor yan. Halos lahat naman ata masarap. Kasi, basta sweets masarap na para sakin 'eh. Nakalimutan ko kung saan nakakabili eh, pero meron akong stock. Kaya lang tatlo nalang yung nandito eh, Gusto mo? Bili ka! Ewan ko lang kung bakit ang sarap kainin nitong Candy na 'to. Parang bumabalik ako sa pagka bata. Noong bata ako, hindi siya ganyan eh. Noong bata ako, parang Powder siya, pero ganyan siya. Hindi ko alam, basta simula noong bata ako, favorite ko na yung mga ganyang Candy. nag-eenjoy ako eh!

Mura lang kasi itong candy na ito, Eh, Yung mura lang naman yung kaya kong bilhin, siyempre, hindi naman ako mayaman, Kaya wala akong pambili. E, sila mama, ayaw naman nila akong kumakain ng matatamis kasi nga, sobrang taba ko na. Hindi naman sobra, basta "mataba". Anyways, Dito sa Jeddah, Saudi Arabia, .50 Halala lang yan eh. Kaya marami akong binibili niyan! Hayaan mo kapag nagkita tayo bibilhan ko kayo niyan. 

Try niyo siya, masarap siya, kaya lang aalamin ko pa kung saan nabibili, kasi nga po, nakalimutan ko na, kain na muna kayo ng ibang candy diyan sa paligid. Pang poor lang itong candy, kaya para sakin lang ata 'to? Haha! Sige, Nag share lang naman ako. God bless us all! 


Saturday, August 11, 2012

My Friend's Pride and Plasticness

Nakakainis pala kapag may kaibigan kang mataas yung pride 'no? Halos lahat nalang gusto niya siya yung the best. Kala niya, palagi siyang tama, gusto niya, siya lang palagi mag dedesisyon, gusto niya siya lang nasusunod. Aba'y di naman pwede 'yon. Di lang naman siya yung tao sito sa mundong ibabaw. Nakakabuysit lang talaga. Ayoko kasi sa isang tao yung sobrang ma-pride.

Yung kaibigan kong iyon, minsan natatawag ko siyang walang kwentang kaibigan, kasi wala siyang pakielam kahit may nasasaktan na siyang tao. Kapag siya yung nang iinis, di ko kayang magalit, pero kapag ako na gumawa ng move na 'yon. Inis na inis naman ang deputa. Kapag kasama ma 'yon. Matututo kang makipag plastican. Kasi sobrang plastic, buti nga wala siya sa pinas, kasi baka tangayin siya ng tubig. "Di natutunay ang mga plastic, dapat diyan sunuginl dapat lang. Para mawala na mga salot sa mundong ito.

Sigurado naman ako, ayaw niyo rin sa mga taong plastic at ma-pride. Sino bang may gusto nito? Siguro, mga kapwa nila. Mga kapwa nilang, plastic.

Buysit na buysit talaga ako sakanya, grabe sobra, sobra sobra na. Hindi ko lang masabi sakanya 'tong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilalagay. Kasi kapag sinabi ko sakanya, baka ma-offend siya, masira pa friendship namin. Pero, kapag ako napuno na talaga, kapag nainis na 'ko. Aba, didiretsuhin ko na siya. Ayoko na ng ganon, mas gusto ko nang isuko yung friendship, kesa makipag-plastican sakanya.

God bless you bro. Good luck nalang! God will help us, fix this problem. Smile nalang tayo.

Ramadan Break

So. Ito na siguro yung start ng Chillax days, pero feeling ko hindi pa eh, kasi, marami pa kaming gagawin eh, kala ko bakasyon grande na 'to. May project pa kasi kami sa Values, yung Music Video pa. Iniisip ko nga na huwag nalang i-pass, kasi yung mga groupmates ko walang cooperation eh. Nakaka-buysit nalang. Yung ikaw nag-papakahirap magisip ng idea, samantalang sila, puro gala lang iniisip. Deputa namna yan! Pero, kakayanin  naman namin, sana lang talaga may cooperation sila, kasi silang lahat, mareklamo. Akala mo sila yung maghihirap. Siguro, next week nalang kami magshooting. Hopefully, matapos namin agad agad.

Ramadan Break. Starting today, Saturday of August 11, 2012.  Wala lang, dito lang ako sa bahay hanggang sa August 27, 2012 yung pasokan na. Nakakamiss din pala si baon, wala tuloy akong pera, kaya minsan mix emotions eh, minsan ayokong mag bakasyon kasi wala nga akong baon, sayang din yung two weeks, na walang baon. Pero, syempre masaya, kasi wala nang pasok, di ko na naman makikita mga haters ko sa School, taray, haters. 

This Ramadan Vacation, magaaral talaga akong magpiano, pero hindi pa ngayon, baka next week, tinatamad pa akong magaral, kakaral ko lang sa school noong wednesday, tapos aral na naman dito sa bahay, nakakatamad. Spell TAMAD. Eh, wala eh, tinatamad talaga ako. Basta, gusto ko lang magtwitter, forever. Di, joke lang! Siyempre, kailangan ko rin, kumilos, upang di mamatay ng maaga. 

Sana maenjoy ko ang Vacation na ito, God bless everyone ~ See you again, sa pasukan mga classmates! 

Wednesday, August 8, 2012

Last day of Exam

Ready ka na ba, sa kwento ko? Matutuwa't malulungkot ka. Simula noong August Six, wala na akong tulog. Kasi, pinagpuyatan ko talaga yung mga grades ko. Three'o clock nang Madaling araw na ako, nakakatulog, kasi puro memorization ang peg ng exam, Mababaliw ka nga talaga. Isa-isahin ko ba lahat ng in-exams namin? Sige. Hindi, wag nalang.

May bad news, at good news ako. Unahin ko na yung Good news, okay, marami akong mataas na grade, lalo na sa mga minor subjects, na-perfect ko yung TLE, two mistake ako sa Computer. Ngunit, bagsak naman yung mga major ko, katulad ng Biology, grabe. Alam ko nang bagsak ako doon, pati Mathematics, siguro sa Math, Fifteen over Seventy Five lang ako. Seriously, nag-aral ako. Pero, mahirap talaga yung mag examples, di lang naman ako yung bagsak, kaming LAHAT, Literal na lahat. Kahit yung pinaka-matalino sa'min, walang hiya kasi si Math, Nakakaasar. Sa biology naman kasi, puro Essay, tapos kailangan Onehundred twenty words dapat. Da fuck, kaya ayon, sigurado ng failed yun.

Mas marami naman ang good news, pero stay positive parin ako sa mga Bad news, di pa naman sure eh. Basta tiwala lang kay God. Siya na ang bahala sa lahat. Atleast, natapos na ang pamatay sa utak naming Sophomores, grabe. Buti nalang, nasagutan ko lahat, kala ko susuko na yung memory ko, kala ko talaga sasabog na ko, sa sobrang dami.

Kampante lang ako, yung sa English, kasi, nag-focus talaga ako, kaming lahat doon. Pati na rin sa Filipino, kampante ako ng mataas yung grade, ko basta positive lang palagi ang ating Peg. Sa Asian History, ah. Dito ako, hinding hindi kampante. Kasi yung teacher namin doon, walang kwenta, grabe. Ang bagal mag discuss, di man lang magagamit yung tinatawag nilang "Stock Knowledge" kasi nga napakabagal mag salita noong baklang haliparot na 'yun. Sana nga mabasa niya 'to. Nang malaman niya mga pinag-gagawa niya. Tngna yung baklang yun, wala ng kwentang magturo, ang sungit sungit pa ng puta. Mamatay ka na uy, umuwi ka na sa pinas, at pumunta ng Marikina, upang matangay ka na.  God bless you Teacher Sunget.

Kanina, may chuvaness Club sa school, yung parang extra curricular works sa school, so, ako, pumunta ako sa Computer/TLE Club. Para wala misyadong gawin, ang boring na kasi. Kaya lang, kailangan ko pang mag-tiyaga, mga Seven months pa akong maghihirap sa school na 'to. No offends ah? Ayoko lang talaga dito sa Jeddah, ngayon. Kasi nga, umaapaw na mga plastic. Dapat sa pinas nalang kayo, para itangay na kayo ng baha uy. Sa computer club, or TLE Club, wala lang, luto luto, HTML's, Java scripts, etc. Basta tungkol sa computer, at TLE. Kesa naman sa ibang borings lalo na Club, di ako nag Sports club, kasi nga nandoon yung mga ayaw kong makita na tao. Hala? Haha. Nakakatakot na eh, baka ano pang magawa ko sakanila, baka mapatay ko sila.  Enjoyin' ko nalang yung Club na 'to. Andito na, wala na akong magagawa pa kahit ano pa man ang mangyari.

So, ayun. Tapos na ang paghihirap, Ramadan break naman, 3 weeks ata ito. Todo relax naman muna ang first week. Tapos next week naman, puro stress na ulit, kasi gagawa pa kami ng Music Video para sa Values. Sige, God bless nalang sainyo! Enjoy your Vacation. Ramadan break, O yeah. Good luck sainyo!

GODBLESS US ALL. HELP PHILIPPINES!

Sunday, August 5, 2012

Day 2 of Reviewing

Review. Ito, tapos na ako sa TLE, at Values, mamaya magreview ako ng History, atleast isa nalang diba? Hindi na ako ma-rurush. Sana lang kasi maperfect ko yung iba. Oo, mahirap sobra. Pero, kaya ko 'to. Andiyan naman si God. Kahit wala man akong inspiration, andiyan naman yung family ko.

Madaling exam lang ata yung TLE. Hayun lang, wala nang iba, yung iba pamatay na sa utak. Baka di ko makaya, magmemory full na utak ko sa sobrang dami. Day 2 of Reviewing ko ngayon, Pero bukas na yung exam, grabe. Hindi naman ako misyadong prepared, SANA talaga makaya ko yung exams. Monday, Tuesday  Wednesday yung exam eh. Sana, matapos na, gusto ko nang magbakasyon.

Goodluck niyo naman ako. Guys, review muna ako ah? Goodluck sa aming lahat, sana nasa Top 1 ako. Kahit, top 2 nalang. Hayun lang naman. Godbless everyone! Goodluck me. Wooohoooo!

Friday, August 3, 2012

Day 1 of Reviewing

Uunahin ko muna yung Madali, tapos yung mahirap naman. Actually. Sa first day, madali lang, pero yung second at third, yun yung mahirap eh. First exam namin, TLE, MAPEH, atsaka Asian History eh. So, yung Asian History lang talaga yung pamatay sa utak.

Magreview muna ako ah? Gusto ko kasi ma-impress silang lahat, pati narin sila mama at papa. Gagawin ko talaga lahat, para worth it naman yung mga binibigay nila sakin. Mahirap talaga, kasi wala namang madali. Pero kung magsusumikap ka, madali lang. Atsaka, andiyan naman si God eh, Siya na ang bahala sa lahat. Ako lang taga gawa, siya taga isip. Have faith in him. Amen!

Sige. Hanggang dito nalang muna, hintayin niyo yung Day 2, at Day 3 of Review ko. Goodluck niyo naman ako oh? Kaya ko naman 'to. Basta. Kaso wala ako Inspiration eh, Pahingi? God bless us all! Goodluck Bad'rian.

Start a Review Part II

Honestly. Wala pa akong na-rereview. Eh, kasi nga gumagawa pa ako ng reviewer, para bukas nagrereview nalang ako. Nakakatamad kasi magsulat, kaya type nalang. Atleast, kapag nagtype ako, may kasama akong twitter at facebook. Hala! Sige. Goodluck ulit! Be right back.

Thursday, August 2, 2012

Exam Week

Exam Week nanaman. Yung last time, long test. Ngayon naman, First Quarter. Alam ko naman na kaya ‘ko to eh. Kasi gusto ko talaga maging Top 1 or basta nasa Top. Kung wala man ako this quarter sa Top, E, no choice. Bawi nalang tayo next quarter. Mahirap, Oo. Wala namang madali eh. Kaya nga, this weekends talaga, after posting tweets, review na agad. 
Dati, noong long test, wala naman akong bagsak. Pero average lang naman. Sana ngayong quarter, ma-impress naman yung mga teachers. Hala? So ayun, pagbubutihin ko nalang. Review week muna ah?
God will help me naman sa lahat ng gagawin ko. Sobrang dami talaga ng irereview, as in. So, magbabasa na ako agad. Kasi usually, nagrereview ako, kinabukasan exam na. Goodluck everyone!  Yung exam namin ay sa August 6, 7, 8 2012 :)

Online Contest

Meron akong ipagyayabang sa inyo. Noong March, something like that. Sumali ako sa isang Online Contest,  yung magpost ka ng picture tapos paramihan ng likes, tapos ayon,pinalike ko sa mga friends ko, at total nung likes ay 120 likes, tapos noong March 18, 2012. May nag email sa akin, sabi nanalo daw ako doon sa Contest. So ayun, sabi nila i-email ko daw yung address ko kung saan nila ipapadala, tapos, Hangtagal naming  naghintay, mga One Month, naisip na nga namin na-SPAM lang siya, kala namin Fake. Halos lahat, Si Ate, Si Tita, Si Mama, akala nila Spam lang siya, kasi diba karaniwan ngayon puro Spam na?

So ayun na, Noong April 20, 2012, Nagulat kami, Gabi noon, galing kaming Fiesta. Tapos pagdating namin sa bahay, yung kapitbahay namin, sabi, may nagpadala daw sakanila noon, kasi wala kami sa bahay, kaya ayon, sa kapitbahay binigay, tapos pagdating namin, sabi noong kapitbahay, may "PACKAGE" daw kami, naka FedEx na plastic yung mismong Package eh. Tapos, noong una akala ko, kung ano. Tapos, noong pagbukas namin, nakita namin agad. "Congratulations Bench, You won the Contest. Enjoy your new Phone" Ganoon, ganyan. In-Open namin yung mismong Package, tapos, nakita ko na yung Box nung Phone. Muntik akong mahimatay grabe. Yung phone nga palay ay " Galaxy Note ". Grabe, Ang saya noong araw na yun, Sobrang bless namin talaga. Na-Shock talaga kaming lahat, As in.

Actually, Dream Phone ko yung Galaxy Note, Tapos nagpray ako na sana magkaroon ako ng ganoong Phone, Ayun, Dream Come true. Grabe, Sobrang Thankful ko talaga! Tapos sila ate, sabi nila, Sana daw sumali din sila, para lahat kami merong Galaxy Note. Eh, kasi nga dati hindi ko rin ako naniniwala doon sa mga ganon, kala ko nga din SPAM eh. Tapos, hindi naman pala. So ayun, Mix emotions sila. Pero ako masaya talaga! So ayun lang naman. Godbless everyone! Thank you god sa blessings. :)

Ako Si Bench : Introduction

Ako po si Bench Lopez. Ako po ay Aspiring Blogger, Ako po ay isang trying-hard na blogger. Ako po ay nabuhay noong Hunyo 26. Hindi ako matalino, average lang. Favorite subject ko ay BREAK. Hindi, seriously, favorite ko Science, at English.

Mahilig akong magcomputer, magblog, at mag twitter. Syempre, kapag may nakain akong kakaiba, sinisipag akong mag-aral. Tawagin niyo nalang akong Bench. Hindi po ako si Marcelo Santos, Oh, Sino mang sikat na blogger. Ako po si Bench. The one and only, at unique ako. Wala akong katulad.

Masaya ako sa buhay ko ngayon, kasi kasama ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Maraming may ayaw sakin, PERO mas maraming nagmamahal sa akin. Kapag may ayaw sakin? So what, eh di ayaw ko din sila. Di naman nila ako kilala para husgahan nila ako. At di sila perpekto, para makapanghusga ng todo. Bwagas!

Malakas ako, dahil anjan si GOD, na mag guide sa akin. Ayun lang namin! Hanggang sa muli. Ako po si Bench Lopez, Thirteen year old nga pala from Pampanga. :)

Best Tagalog Quotes Account On Twitter



  Top #10 Best Tagalog Quotes Account On Twitter

Top 1. ( @PINOY_QUOTES ) 
Top 2. ( @PinoyBookOfLove ) 
Top 3. ( @MgaKasabihan )       
Top 4. ( @MisterBanatero )        
 Top 5. ( @ShitHappensDre )    
Top 6. ( @TagalogQuotes )      

Top 7. ( @WagTanga )              
Top 8. ( @PatamaSayo )           


Top 9. ( @PatamaTweets )           
Top 10. ( @MatamaanKa )         



Lahat ng quotes diyan, magaganda! Check out their tweets! Sasaya yung buhay niyo. Good luck! 

Lecture Notes: Reviewer


Gumawa na ako ng Lecture Notes, para nagrereview nalang ako. Kasi sobrang dami ng i-exam sa Monday. Kaya kailangan ready na agad diba? Mahirap mag-type, pero sana'y na ako. Makaktulong 'tong reviewer sa 'kin.  Misyadong madami yung exam, mag-focus muna ako. Goodluck!

Twitter-ing



Noon, Ayaw ko magtwitter, kasi parang ang hirap gamitin, di katulad ng facebook, ang dali lang. Sa twitter, andami pang kalikot. Basta, ang complicated gamitin. Pero ngayon, grabe, halos lahat ng tao naa-addict na sa twitter. Ewan, mas prefer ko mag twitter kesa Facebook. Kasi sa Facebook pakilamero mga tao dun eh, dito sa twitter. Wapakels, basta hindi nakaka-offend pasuk ka sa trend.

Ewan ko lang ah? Pero, I guess lahat tayo libang na libang sa social network na "Twitter". Bakit nga ba? Eh, kasi dito sa twitter, na-ilalabas natin lahat ng mga sakit na nararamdaman natin. Ako kasi, ginagawa ko siyang, Online Diary. Halos lahat na ng ginagawa ko. Nailagay ko na sa "Twitter".

Anyway, hindi lang naman ako nag-twutwitter for personal use eh. Meron din akong Quotes Account, kaya kailangan, o needed talaga magtweet ng quotes everyday. Kaya lang minsan, nauubusan na ko eh. Pero, laging may pumapasok sa isip ko na bagong quotes eh. Minsan nga, nag-schedule ako, kasi may pasok ako, may mai-tweet lang para sa mga followers. Masaya ako na madaming Retweets eh. Parang heto na yung buhay ko. Yung iba alam nila na ako yun eh, pero yung iba hindi, Ayaw ko pang sabihin, nakakahiya kasi eh.

Sa twitter kasi, dumadami yung kaibigan ko, tapos kapag nag trend yung pinapa-trend mo ang saya saya.
Yung parang nakaka-proud kasi ikaw yung nagpa-trend non.

Kaya kayo guys, mag twitter na kayo. Sabayan niyo kami, masaya ito, sa una, parang boring, pero kapag marami ka ng followers, sobrang saya na. At kung stress ka, mawawala yang stress mo, basta mag-twitter ka lang. Heto yung link " twitter.com " at yung twitter username ko ay, @thebenchycode. Follow niyo ko ah?

Wednesday, August 1, 2012

There is no Place like Home

Second Year Batch 2012 - 2013


Grabe, dalawa na ang school na napuntahan ko na nag-close. Na-miss ko na yung dati. Nag-close kasi yung favorite kung school, which is Al Hekma, nag-closed sila for some problems. Tapos last year, lumipat naman ako sa Al Bozouq, nagclosed din sila. Actually, private problems. Kaya di na kailangan pang ipagsigawan. 

Honestly, hindi ako at-home sa bago kong school, Oo, kakapasok palang, sasabihin niyo hindi pa ako nakapag-adjust, pero, hindi yun eh, kasi dati sa Hekma, pagpasok ko palang, I felt at-home. Yung parang bang todo welcome sila. Sa new school ko, wala lang, masaya naman, pero may kulang parin eh. At, to tell you frankly, mayabang mga tao dito. (Wala sanang, magalit) Pero, sige sabihin na nating nag-aadjust pa ako.

Pero, yung mga classmates ko, ayun, doon lang ako masaya. Pero, paglabas mo ng classroom, wala na, feels like hell na ulit. Kaya nga the whole day, nasa loob ako ng room eh. 

I will not mention nalang the school. Makakapag-adjust din ako. Pag dating ng panahon. Sa ngayon, studies muna iniisip ko, wala munang pake sa mga nangyayare.....

 God bless everyone!

Start a Review

Paano nga ba magsimulang magaral para sa Exams? Siyempre, pinaka-una. Tanggaling ang mga disturbances , Ako kasi puro ako twitter, facebook, at blog. Kaya for three days, kailangan ko munang iwasan ang mga ito. Parang di ko naman ata kayang mawala sila. Sila lang kasi nagpapasaya sakin. Three days no Internet? Omaygolay. Parang hindi ko talaga kaya, ikaw kaya mo kaya? Sure ako hindi.

Grabe, Yung first quarter exam namin, buong book pagaaralan. Tapos, 40% lang yung nasa exam. Pinakamahirap kasi yung memorization eh, Lalo na sa, Biology, Asian History, TLE, Computer, at MAPEH. Pero, magcoconcentrate lang ako sa English, kasi yung English teacher namin, namimigay ng mga regalo sa mga perfect. Kahit hindi perfect, basta pumasa daw sa Average niya. Grabe, Alam niyo yung mga Parker Pens? Ganoon daw bibigay niya, Waaah! Pagbubutihan ko talaga yung English. Yung noong Long test, sayang. Malapit na eh. Di bale na, this quarter talaga babawi ako. PROMISE!

Magstart nakong magreview bukas, weekends. Thursday at Friday, pero siyempre di maalis yung pag-twitter ko. Eh, kasi naman si twitter, panira sa pag-aaral. Gagawa ako schedule, kung ano mauuna, para ma-balance kong maayos yung pag-aaral ko. Divide sa oras ng twitter, sa pagaaral, etc. Lahat naman tayo, di maiiwasan mag-social media diba?  Haha! So, Ayun, Goodluck nalang sa aming lahat! Anjan naman si God eh, kaya ko 'to.