Noon, Ayaw ko magtwitter, kasi parang ang hirap gamitin, di katulad ng facebook, ang dali lang. Sa twitter, andami pang kalikot. Basta, ang complicated gamitin. Pero ngayon, grabe, halos lahat ng tao naa-addict na sa twitter. Ewan, mas prefer ko mag twitter kesa Facebook. Kasi sa Facebook pakilamero mga tao dun eh, dito sa twitter. Wapakels, basta hindi nakaka-offend pasuk ka sa trend.
Ewan ko lang ah? Pero, I guess lahat tayo libang na libang sa social network na "Twitter". Bakit nga ba? Eh, kasi dito sa twitter, na-ilalabas natin lahat ng mga sakit na nararamdaman natin. Ako kasi, ginagawa ko siyang, Online Diary. Halos lahat na ng ginagawa ko. Nailagay ko na sa "Twitter".
Anyway, hindi lang naman ako nag-twutwitter for personal use eh. Meron din akong Quotes Account, kaya kailangan, o needed talaga magtweet ng quotes everyday. Kaya lang minsan, nauubusan na ko eh. Pero, laging may pumapasok sa isip ko na bagong quotes eh. Minsan nga, nag-schedule ako, kasi may pasok ako, may mai-tweet lang para sa mga followers. Masaya ako na madaming Retweets eh. Parang heto na yung buhay ko. Yung iba alam nila na ako yun eh, pero yung iba hindi, Ayaw ko pang sabihin, nakakahiya kasi eh.
Sa twitter kasi, dumadami yung kaibigan ko, tapos kapag nag trend yung pinapa-trend mo ang saya saya.
Yung parang nakaka-proud kasi ikaw yung nagpa-trend non.
Kaya kayo guys, mag twitter na kayo. Sabayan niyo kami, masaya ito, sa una, parang boring, pero kapag marami ka ng followers, sobrang saya na. At kung stress ka, mawawala yang stress mo, basta mag-twitter ka lang. Heto yung link " twitter.com " at yung twitter username ko ay, @thebenchycode. Follow niyo ko ah?
No comments:
Post a Comment