Wednesday, August 1, 2012

Start a Review

Paano nga ba magsimulang magaral para sa Exams? Siyempre, pinaka-una. Tanggaling ang mga disturbances , Ako kasi puro ako twitter, facebook, at blog. Kaya for three days, kailangan ko munang iwasan ang mga ito. Parang di ko naman ata kayang mawala sila. Sila lang kasi nagpapasaya sakin. Three days no Internet? Omaygolay. Parang hindi ko talaga kaya, ikaw kaya mo kaya? Sure ako hindi.

Grabe, Yung first quarter exam namin, buong book pagaaralan. Tapos, 40% lang yung nasa exam. Pinakamahirap kasi yung memorization eh, Lalo na sa, Biology, Asian History, TLE, Computer, at MAPEH. Pero, magcoconcentrate lang ako sa English, kasi yung English teacher namin, namimigay ng mga regalo sa mga perfect. Kahit hindi perfect, basta pumasa daw sa Average niya. Grabe, Alam niyo yung mga Parker Pens? Ganoon daw bibigay niya, Waaah! Pagbubutihan ko talaga yung English. Yung noong Long test, sayang. Malapit na eh. Di bale na, this quarter talaga babawi ako. PROMISE!

Magstart nakong magreview bukas, weekends. Thursday at Friday, pero siyempre di maalis yung pag-twitter ko. Eh, kasi naman si twitter, panira sa pag-aaral. Gagawa ako schedule, kung ano mauuna, para ma-balance kong maayos yung pag-aaral ko. Divide sa oras ng twitter, sa pagaaral, etc. Lahat naman tayo, di maiiwasan mag-social media diba?  Haha! So, Ayun, Goodluck nalang sa aming lahat! Anjan naman si God eh, kaya ko 'to.

No comments:

Post a Comment