Friday, September 7, 2012

No Other Friend.

Oo, masasabi niyo na parang ang drama ko. Eh kasi naman, hindi ko alam kung kanino ko pwedeng i-share. Parang wala naman may gustong makinig sa i-share ko sakanila eh. Kaya dito nalang. 

Meron akong kaibigan, itago natin sa pangalan na, "Daniel". Mabait naman siya, matalik ko siyang kaibigan. Dati palagi kaming masaya, dati nag-shasharean kami ng mga secrets. Pero ngayon, wala na. Nakahanap na siya ng bago niyang kaibigan, nagbago na lahat. Oo, okay lang naman sakin kung may bago siyang kaibigan, ang hindi lang okay ay yung parang nakakalimutan niya na ako. Itago natin na pangalan na "Miko" yung bago niyang kaibigan, sa totoo lang kaibigan ko din si Miko. Pero mas close sila ni Daniel, ang masakit na part dito, si Daniel, puro nalang si Miko ang pinupuntahan niya kapag may problema siya, kay Miko niya lang sinasabi mga sicreto niya. Nakakasakit lang sa part ko, kasi parang andito naman ako, pwede mo naman akong puntahan kapag may problema ka diba? Pero bakit puro nalang kay Miko.
Si Miko, halos lahat ng sicreto ni Daniel alam niya. Samantalang ako nandito, nasa isang sulok nag-dadrama. Si Miko lang naman pinagkakatiwalaan niya eh, ako wala akong alam ni isa. Puro nalang kasi Miko Miko Miko. Kahapon nga nagpunta kami sa bahay ni Daniel, nandoon din si Miko. Sana nga hindi nalang siya nagpunta. Patanong tanong pa si Miko kung bakit daw ako tahimik? "Aba, malamang. Inagaw mo yung bestfriend ko eh, siyempre, malulungkot ako" P*ta. Nagtanong pa, ang sakit lang talaga isipin na, ako na matagal niya nang kaibigan hindi ako pinagkakatiwalaan. Oo, dati immature ako, kaya sa 'kin na mismo mang gagaling na hindi ako mapapagkatiwalaan. Pero ngayon, matanda na 'ko. May utak na ko, para itahimik 'tong bibig ko. 

Yung crush ni Daniel si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung password sa cellphone si Miko lang nakakalam, ako hindi. Yung mga text messages ni Daniel, binabasa ni Miko, hindi naman nagagalit si Daniel, pero kapag ako magagalit siya. "Privacy daw" pero kapag si Miko, wala pagala gala lang sa Cellphone ni Daniel, wala siyang say. Unfair lang talaga nang mundo. Ito namang si Miko, lahat ng tao pinagkakatiwalaan siya. ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO? KUNG AKO BA SIYA... Sana mawala na siya sa buhay namin. Ugh. Hindi ko alam kanino ko sasabihin 'to. Kahit yung iba kong bestfriend, sobrang busy nila kaya di ko malabas 'to. Ang sakit sakit na, gusto ko nga i-try lumipat nang school, baka sakaling mamiss nila at hanapin ako. Nakakasakit lang talaga. Sana, kapag nagkaroon ako ng bagong kaibigan, hindi niya ako makakalimutan kahit may bago siyang kaibigan. 

Hayaan ko nalang 'to. Hindi ko naman siya kawalan, hindi ko SILA kawalan, kawalan nila ako. Uuwi narin naman ako next year sa Philippines, kaya hayaan ko nalang silang maging masaya, lalayo nalang ako, at maghanap ng bagong kaibigan, kesa nagpapaka-depress sa mga taong walang magawa sa buhay nila, May God bless them nalang! Karma is a Bitch. Beware. 

No comments:

Post a Comment