Thursday, May 23, 2013

Dream Summer Trip

Sino ba may ayaw ng bakasyon? Siyempre wala. Ang saya kaya pag bakasyon, lalo na tuwing summer. Kasi tuwing summer, may chance tayong mag-outing with the whole family. At dahil sa Jeddah, Saudi Arabia ako nag-aaral, sinusulit ko talaga ang Summer Vacation. Pero this year, 2013, for good na ang stay ko dito sa Philippines, so mas mag-eenjoy na ako. Kasi sa Jeddah, kung di sa School at Mall, nasa bahay ka lang. Dito sa Pinas, kahit saan pwede kang pumunta.

Masaya talaga kapag summer, dahil sa outing ng buong pamilya. Pag summer, mas lalong nagiging matibay ang pagsasamahan ng pamilya. Ang Summer 2013 ko ay masaya din naman. Bakit? Dahil pumunta kami sa Vigan, Ilocos Sur. Kahit hindi kami nag-beach, masaya parin. Kasi ang summer ay hindi lang naman tungkol sa swimming o pumunta sa beach, ang meaning ng summer is magsaya kasama ang pamilya. Sobrang exhausted ang trip to Vigan namin, kasi By-Land kami eh, 9 hours ang biyahe from Pampanga to Vigan. Pero sobrang sulit! Di naman kami nakapunta sa Pagudpud, kaya konteng malungkot. Haha!

Ang next summer trip ay sa 2014 na. Pero anytime naman pwedeng pumunta. Pero mas masaya kasi kung buong pamilya diba? Sa Summer 2014, gusto kong pumunta naman sa Palawan, yung sa Cave ba yun, tsaka sa El Nido Palawan. Ang cool kaya don, kaso sa mga photos ko palang nakikita, Eh, I want to see it personally, kaya gusto ko talaga don dahil din sa sobrang blue at clear ng tubig, para karing nasa Hawaii eh. (See Photo)



Sana makapunta na ko diyan soon. Dream Place talaga eh. Siyempre, bago tayo pumunta sa mga tourist spot sa ibang bansa. Tangkilikin muna natin ang sariling atin. Magaganda rin naman ang mga tourist spot natin dito. Halika, punta tayo sa El Nido, Palawan sa Summer 2014.

Sali din kayo sa promo/contest ng Nuffnang at Native Shoes. Para lahat tayo may chance manalo. Go!
Native Shoes is Giving Away GC's Worth PHP 50,000! OMG. Sana manalo ako. Thanks! God bless us all!

undefined

Photo Courtesy: http://blog.nuffnang.com.ph/2013/05/23/native-shoes-giveaway/ :)


No comments:

Post a Comment